
3.5 Bakit napakahirap o nakasasawa ang pagdarasal?
Minsan ang mga tao ay nakararanas ng mga paghihirap sa pagdarasal, marahil lalo na kung ang lahat ay tila maayos na. Kapag nagdarasal tayo kailangan natin ng pagtitiyaga, katapatan at pagsisigasig.
Ngunit huwag mawalan ng pag-asa: maaari kang makatiyak na ang Diyos ay laging nandiyan. Palagi siyang tumutulong kung talagang kailangan mo ito, kahit na minsan sa isang hindi inaasahang paraan. Inaabot ng Diyos ang kanyang kamay sa iyo, at maaasahan mo siya (Mt. 14:31) Mateo 14:31 Agad siyang hinawakan ni Jesus. “Bakit ka nag-alinlangan? Napakaliit ng iyong pananampalataya!” sabi niya kay Pedro.. Naglakas-loob ka ba na kunin ang kanyang kamay?
Why is prayer a “battle”?
Prayer is a gift of grace but it always presupposes a determined response on our part because those who pray “battle” against themselves, their surroundings, and especially the Tempter who does all he can to turn them away from prayer. The battle of prayer is inseparable from progress in the spiritual life. We pray as we live because we live as we pray. [CCCC 572]
Are there objections to prayer?
Along with erroneous notions of prayer, many think they do not have the time to pray or that praying is useless. Those who pray can be discouraged in the face of difficulties and apparent lack of success. Humility, trust and perseverance are necessary to overcome these obstacles. [CCCC 573]
Bakit paminsan-minsan ay isang labanan ang pagdarasal?
Ang mga espirituwal na guro sa lahat ng panahon ay inilarawan ang paglago sa pananampalataya at sa pag-ibig ng Diyos bilang isang labanan, kung paanong nagaganap sa buhay at kamatayan. Ang lugar ng labanan ay ang kalooban ng tao. Ang armas ng Kristiyano ay panalangin. Maaari tayong matalo dahil sa ating pagkamakasarili, mawala ang ating sarili sa mga maliit na bagay - o makamit ang Diyos.
Ang sinumang nais manalangin ay dapat munang talunin ang kanyang kakulangan ng kalooban. Ang tinatawag ngayon na "walang kabuhay-buhay," ay kilala na ng mga ama ng disyerto bilang pananamlay (acedia). Ang pagkawalang-gana sa Diyos ay isang malaking problema sa espirituwal na buhay. Kahit ang espiritung umiiral sa ating panahon ay hindi nakikita ang kahulugan sa panalangin, at ang kalendaryong puno ng aktibidad ay walang lugar para rito. Naririyan din ang pagsusumikap laban sa manunukso, na gagawin lahat ng nasa kapangyarihan niya upang papahinain ang loob ng tao sa debosyon sa Diyos. Kapag ayaw ng Diyos na mahanap natin Siya sa panalangin, hindi tayo magwawagi sa labanan. [Youcat 505]
Hindi ba isang uri ng pagkausap sa sarili ang panalangin?
Isa lamang katangian ng panalangin na makarating mula Ako patungo sa Ikaw, mula sa pagkamakasarili patungo sa radikal na pagiging bukas. Ang sinumang tunay na nagdarasal ay maaaring maranasan na ang Diyos ay nagsasalita - at madalas iba ang Kanyang sinasabi kaysa sa ninanais at inaasahan natin.
Inuulat ng mga may karanasang magdasal na ang tao ay kadalasang iba pagkagaling sa panalangin kaysa sa bago niya ito gawin. Minsan ay natutupad ang mga inaasahan: ang taong malungkot ay naaaliw; ang taong nanghihina ang loob ay nakakatanggap ng bagong lakas. Ngunit maaari ring mangyari na nais makalimutan ng isang tao ang mga paghihirap, ngunit lalo pang nalagay sa mas malalim na kaguluhan; na nais lamang ng tao maiwanang mag-isa, ngunit nakatanggap ng isang tungkulin. Ang isang tunay na pakikipagtagpo sa Diyos, kung paanong paulit-ulit itong nangyayari sa pananalangin, ay maaaring sirain ang ating mga ideya hindi lamang tungkol sa Diyos kundi pati na rin sa panalangin. [Youcat 506]
Paano kung maranasan nating hindi nakakatulong ang pagdarasal?
Hindi hinahangad ng panalangin ang mababaw na tagumpay, kundi ang kalooban at pagiging malapit ng Diyos. Lalo na sa pawang katahimikan ng Diyos, mayroong isang paanyaya na gumawa ng isa pang hakbang - sa ganap na pag-aalay ng sarili, walang hanggang pananampalataya, walang katapusang pag-asam. Ang sinumang nananalangin ay dapat hayaan ang Diyos na buong kalayaang magsalita kung kailan Niya ninanais, tuparin ang anumang naisin Niya at ibigay ang kanyang sarili kung paano Niya ito naisin.
Kadalasan sinasabi natin: nagdasal ako pero hindi ito nakatulong. Siguro hindi tayo nanalangin nang mataimtim. Tinanong minsan ng banal na pastor ng Ars, si San Juan Maria Vianney, ang kanyang kapwa pari na nagreklamo tungkol sa kanyang kabiguan: "Nagdasal ka, nagbuntung-hininga ka... pero nag-ayuno ka ba, magdamag ka bang nagbantay?" Maaari ring mga maling bagay ang hinihingi natin sa Diyos. Ganito ang minsang sinabi ni Santa Teresa ng Ávila: "Huwag mong ipanalangin ang mas magaang pasanin, ipanalangin mo ang mas matibay na likod!" [Youcat 507]
Paano kung walang nararamdaman kapag nagdarasal o ayaw pa ngang magdasal?
Ang pag-iisip ng iba habang nagdarasal, ang pakiramdam ng kawalan at pagkatuyo, maging ang pag-ayaw sa panalangin ay mga karanasan ng bawat nagdarasal. Sa ganitong pagkakataon, ang pagiging tapat ang mismong panalangin.
Kahit na si Santa Teresita ng Sanggol na si Jesus (Thérèse ng Lisieux) ay matagal na panahong walang maramdaman na pag-ibig ng Diyos. Ilang sandali bago siya mamatay, dinalaw siya ng kanyang kapatid na babaeng si Céline. Nakita niyang mahigpit na magkahawak ang mga kamay ni Thérèse. "Ano ang ginagawa mo? Dapat subukan mong matulog," sabi ni Céline. "Hindi ko kaya. Masyado akong nagdurusa. Ngunit nagdarasal ako," sumagot si Thérèse. "At ano ang sinasabi mo kay Jesus?" - "Wala akong sinasabi. Minamahal ko lang Siya." [Youcat 508]
Ni ang mga trabaho sa pamilya o iba pang mga katanungan ay hindi dapat manatili sa labas ng konteksto ng buhay espiritwal. Kay Cristo, ang bawat aktibidad ng tao ay mayroong mas malalim na kahulugan at nagiging tunay na saksi. Nakaugat sa diwa ng pagdarasal, pagkatapos ay magbubukas ang kaluluwa sa kanyang walang hanggan at walang hanggang Diyos. Hangad nitong paglingkuran ang Diyos na ito at upang makuha mula sa kanya ang lakas at ilaw na ginagawang Kristiyano ang aktibidad nito. Salamat sa pananampalataya, kinikilala natin sa ating buhay ang paggana ng plano ng pag-ibig ng Diyos, natutuklasan natin ang patuloy na pagkalinga ng Ama na nasa langit. [Pope John Paul II, Homily in Gorzov, 2 June 1997]