
3.4 Matutulungan ba ako ng panalangin na makagawa ng mga tamang pagpapasya?
Upang malaman kung ano ang nais ng Diyos para sa atin, dapat nating makilala kung paano siya nakikipag-usap sa atin sa kaibuturan ng ating mga puso. Ang pakikinig sa Diyos ay nangangahulugan ng pakikinig sa ating pinakamalalim na damdamin. Doon lamang sa loob ng ating sarili maaari nating makita ang Kalooban ng Diyos.
Mabuti na makilala kung aling mga hangarin ang nagmula sa Banal na Espiritu at alin ang hindi. Upang magawa ito, kailangan mo ng tulong ng Diyos. Kapag nahanap mo kung ano ang dapat mong gawin [> 4.4], makararanas ka ng tunay na kapayapaan at katahimikan. Ang pakiramdam na ito ang nais ng Diyos para sa bawat isa sa atin, dahil ipinapahiwatig nito kung ano ang tama.
When did Jesus pray?
The Gospel often shows Jesus at prayer. We see him draw apart to pray in solitude, even at night. He prays before the decisive moments of his mission or that of his apostles. In fact, all his life is a prayer because he is in a constant communion of love with the Father. [CCCC 542]
Paano nananalangin si Jesus?
Ang buhay ni Jesus ay isang tuloy-tuloy na panalangin. Sa mahahalagang mga sandali (tukso sa disyerto, pagpili ng mga disipulo, kamatayan sa krus), lalong naging matindi ang Kanyang panalangin. Kadalasan ay lumalayo siya para manalangin mag-isa, lalo na sa gabi. Ang pagiging kaisa ng Ama sa Espiritu Santo - ito ang sentral na tema ng Kanyang buhay sa mundo. [Youcat 475]
Ituturo mo ang landas na patungo sa buhay, sa piling mo'y madarama ang lubos na kagalakan; ang tulong mo'y nagdudulot ng ligayang walang hanggan. (Aw 15 (16): 11). Ang bawat bokasyon, bawat landas na tinawag sa atin ni Kristo, sa huli ay humahantong sa katuparan at kaligayahan, sapagkat humahantong ito sa Diyos, sa pagbabahagi sa sariling buhay ng Diyos ... Sino ang tumatanggap ng Mabuting Balita ay masaya, nagliliwanag ng kagalakan, at nagbibigay din ng kagalakan sa iba. [Pope John Paul II, Homily to the ‘International Youth Forum’, 13 Jan. 1995]