
1.40 Si Maria ba ay nanatiling birhen at hindi kailanman nagkasala?
Sa siyentipikong pagsasalita, hindi maaari na magbuntis nang walang binhi ng lalaki o pamamagitan ng tao. Gayunpaman, nagagawa ng Diyos na lumampas sa mga batas ng kalikasan at gumawa ng mga himala.
Si Maria ay nabuntis ng isang direktang kilos ng Diyos, tulad ng inihula sa Bibliya ( Isaias 7:14 Isaias 7:14 Dahil dito si Yahweh mismo ang magbibigay sa inyo ng palatandaan: Maglilihi ang isang dalaga at magsisilang ng isang sanggol na lalaki at tatawagin sa pangalang Emmanuel. ; Mateo 1:23 Mateo 1:23 “Maglilihi ang isang birhen at magsisilang ng isang sanggol na lalaki, at tatawagin itong Emmanuel” ) daan-daang taon na ang nakakalipas. Ang Diyos at ang kasalanan ay magkasalungat. Si Hesus ay Diyos, at hindi niya kakayaning manatili ng siyam na buwan sa sinapupunan ng isang makasalanan na tao. Nakatanggap si Maria ng isang espesyal na biyaya mula sa Diyos na pinayagan siyang manatili nang walang kasalanan sa buong buhay niya.
Ano ang ibig sabihin ng “kalinis-linisang paglilihi kay Maria”?
Naniniwala ang Simbahan na, “ang pinagpalang Birhen Maria ay di-nagmana ng kasalanang orihinal magmula nang ipaglihi dahil sa isang katangi-tanging biyaya ng Diyos na makapangyarihan, pakundangan sa mga karapatan ni Jesukristong Mananakop ng sangkatauhan” (Dogma ng 1854; → Dogma).
Mayroon nang paniniwala sa “kalinis-linisang paglilihi” mula pa noong simula ng Simbahan. Kasalukuyang nakakalito ang terminong ito. Sinasabi nito na iniligtas ng Diyos si Maria mula sa minanag kasalanan mula pa sa simula. Wala itong sinasabi tungkol sa paglilihi kay Jesus sa sinapupunan ni Maria. Hinding-hindi nito pinapawalang halaga ang sekswalidad sa Kristiyanismo, na para bang “hindi malinis” ang lalaki at babae kapag sila ay gumagawa ng anak. [Youcat 83]
In what sense is Mary “ever Virgin”?
Mary is ever virgin in the sense that she “remained a virgin in conceiving her Son, a virgin in giving birth to him, a virgin in carrying him, a virgin in nursing him at her breast, always a virgin” (Saint Augustine). Therefore, when the Gospels speak of the “brothers and sisters of Jesus”, they are talking about the close relations of Jesus, according to the way of speaking used in Sacred Scripture. [CCCC 99]
Mayroon bang ibang anak si Maria liban kay Jesus?
Wala. Si Jesus ang nag-iisang ipinanganak ni Maria.
Simula noong sinaunang Simbahan pa lang ay pinanghawakan na nila ang panghabangbuhay na pagkabirhen ni Maria kaya hindi maaaring magkaroon si Jesus ng mga kapatid sa parehong ina. Sa Aramaiko na sariling wika ni Jesus, iisa lamang ang salita para sa kapatid at pinsan. Saan man sa Ebanghelyo na binbanggit ang “kapatid” ni Jesus (halimbawa, Mc 3:31-35), ito ay patungkol sa malapit na kamag-anak ni Jesus. [Youcat 81]
In what way is the spiritual motherhood of Mary universal?
Mary had only one Son, Jesus, but in him her spiritual motherhood extends to all whom he came to save. Obediently standing at the side of the new Adam, Jesus Christ, the Virgin is the new Eve, the true mother of all the living, who with a mother's love cooperates in their birth and their formation in the order of grace. Virgin and Mother, Mary is the figure of the Church, its most perfect realization. [CCCC 100]
In what sense is the Blessed Virgin Mary the Mother of the Church?
The Blessed Virgin Mary is the Mother of the Church in the order of grace because she gave birth to Jesus, the Son of God, the Head of the body which is the Church. When he was dying on the cross Jesus gave his mother to his disciple with the words, “Behold your mother” (John 19:27). [CCCC 196]
Bakit ina rin natin si Maria?
Si Maria ay ating ina dahil ibinigay siya sa atin bilang ina ni Kristong Panginoon.
“Babae, hayan ang anak mo! … Hayan ang iyong ina” (Jn 19:26b-27a). Ang mga salitang ito na binigkas ni Jesus mula sa krus kay Juan ay palaging naintindihan ng Simbahan bilang paghahabilin ng buong Simbahan kay Maria. Kaya si Maria ay ina rin natin. Maaari tayong manawagan sa kanya at hilingin na mamagitan sa Diyos. [Youcat 85]
Tulad ng siya na pinaglihi (= Jesus) nag-ingat sa kanya na naglihi (= Maria) na birhen pa rin, and birhen na ito ay nananatiling birhen kahit na pagkatapos ng kanyang kapanganakan, na hindi kailanman natapos ang pagkabirhen kahit sa kamatayan, at di kailanman kahit sa kmatayan asawa isang lalaki. [St. John ng Damasco, Exposition ng Orthodox Faith, Bk. 4, Chap. 14 (MG 94, 1161)]
Tunay na ikaw, Panginoon, at ang iyong ina ay ang nag-iisa na maganda, ganap na sa bawat respeto; sapagkat, Panginoon, walang kapintasan sa iyo, o anumang lugar man sa iyong ina. [St. Ephraem, Nisibene Hymns, 27, Bk 122]