Lahat ng mga Katanungan
prev
Previous:1.32 Ano ang ginagawa ng Espiritu Santo? Kailangan ko ba siya?
next
Next:1.34 Nilikha ba ng Diyos ang kasamaan? Ano ang kaugnayan nito sa aking mga kasalanan?

1.33 Ang Diyos ay iisa, at siya rin ay tatlo. Hindi ba kalokohan iyon?

Ano ang ginagawa ng Espiritu Santo?

Ang Diyos ay umiiral bilang Ama , Anak , at Espiritu Santo Ang konsepto ng Santatlong ito ay nangangahulugang ang isang Diyos ay naroroon sa atin sa tatlong magkakaibang paraan, alalaong baga’y bilang tatlong persona na mahal na mahal tayo.

Ipinapakita sa atin ng mapagmahal na ugnayan sa pagitan ng tatlong persona ng Santatlo kung ano ang Diyos sa kanyang kakanyahan: pag-ibig. Gayunpaman, hindi natin lubos na mauunawaan ang misteryo na ito...

Bilang tatlong Persona, sa kanyang sarili ibinabahagi ng Diyos ang pag-ibig sa pagitan ng Ama, Anak, at ng Espiritu Santo. Nais din niyang ibahagi sa iyo ang pagmamahal na iyon!
Ang Dunong ng Simbahan

Can the mystery of the Most Holy Trinity be known by the light of human reason alone?

God has left some traces of his trinitarian being in creation and in the Old Testament but his inmost being as the Holy Trinity is a mystery which is inaccessible to reason alone or even to Israel’s faith before the Incarnation of the Son of God and the sending of the Holy Spirit. This mystery was revealed by Jesus Christ and it is the source of all the other mysteries. [CCCC 45]

What did Jesus Christ reveal to us about the mystery of the Father?

Jesus Christ revealed to us that God is “Father”, not only insofar as he created the universe and the mankind, but above all because he eternally generated in his bosom the Son who is his Word, “the radiance of the glory of God and the very stamp of his nature” (Hebrews 1:3). [CCCC 46]

Who is the Holy Spirit revealed to us by Jesus Christ?

The Holy Spirit is the third Person of the Most Blessed Trinity. He is God, one and equal with the Father and the Son. He “proceeds from the Father” (John 15:26) who is the principle without a principle and the origin of all trinitarian life. He proceeds also from the Son (Filioque) by the eternal Gift which the Father makes of him to the Son. Sent by the Father and the Incarnate Son, the Holy Spirit guides the Church “to know all truth” (John 16:13). [CCCC 47]

How does the Church express her trinitarian faith?

The Church expresses her trinitarian faith by professing a belief in the oneness of God in whom there are three Persons: Father, Son, and Holy Spirit. The three divine Persons are only one God because each of them equally possesses the fullness of the one and indivisible divine nature. They are really distinct from each other by reason of the relations which place them in correspondence to each other. The Father generates the Son; the Son is generated by the Father; the Holy Spirit proceeds from the Father and the Son. [CCCC 48]

How do the three divine Persons work?

Inseparable in their one substance, the three divine Persons are also inseparable in their activity. The Trinity has one operation, sole and the same. In this one divine action, however, each Person is present according to the mode which is proper to him in the Trinity.

“O my God, Trinity whom I adore...grant my soul peace; make it your heaven, your beloved dwelling, and the place of your rest. May I never abandon you there, but may I be there, whole and entire, completely vigilant in my faith, entirely adoring, and wholly given over to your creative action.” (Blessed Elizabeth of the Trinity)

[CCCC 49]

Naniniwala ba tayo sa isang Diyos o sa tatlong diyus-diyosan?

Naniniwala tayo sa isang Diyos na may tatlong persona (→ Santatlo). “Ang Diyos ay hindi pag-iisa, kundi ganap na pakikipag-isa” (Papa Benito XVI, ika-22 ng Mayo 2005).

Ang mga Kristiyano ay hindi sumasamba sa tatlong magkakaibang diyos kundi sa nag-iisang Diyos na binubuo ng talong persona ngunit nananatili pa ring iisa. Alam nating ang Diyos ay Santatlo mula kay Jesukristo: Siya, ang Anak, ay nagsalita tungkol sa Kanyang Ama sa langit (“Iisa Kami: Ako at ang Ama,” Jn 10:30). Nagdasal Siya sa Ama at ipinagkaloob sa atin ang Espiritu Santo, na siyang pag-ibig ng Ama at ng Anak. Kaya tayo’y binibinyagan “Sa ngalan ng Ama, at ng Anak, at ng Espiritu Santo” (Mt 28:19). [Youcat 35]

Maaari bang dumating sa konklusyon na ang Diyos ay santatlo sa pamamagitan ng lohika?

Hindi. Ang → Tatlong Persona sa Isang Diyos ay isang misteryo. Nalalaman lang natin ang Tatlong Persona sa Isang Diyos sa pamamagitan ni Jesukristo.

Hindi maaaring maunawaan ng tao ang Tatlong Persona sa Isang Diyos sa pamamagitan ng kanyang sariling katuwiran. Ngunit maaari niyang malaman ang pagkamakatuwiran ng misteryong ito kapag kanyang tinanggap ang → Pagbubunyag ng Diyos kay Jesukristo. Kung nag-iisa at malungkot ang Diyos, hindi siya maaaring umibig mula sa kawalang-hanggan. Sa pagbibigay-liwanag ni Jesus, makikita na natin sa → Matandang Tipan (halimbawa Gen 1:2; 18:2; 2 S 23:2), at kahit sa buong sangnilikha, ang mga pahiwatig ng Tatlong Persona sa Isang Diyos. [Youcat 36]

Bakit “Ama” ang Diyos?

Ang Diyos lamang ang mag-isa nating sinasamba bilang Ama dahil siya ang Tagapaglikha at buong pag-ibig na tinatanggap ang lahat ng Kanyang mga nilalang. Bukod pa riyan, itinatanim na sa ating isipan ni Jesus, ang Anak ng Ama, na kilalanin ang Kanyang Ama bilang Ama natin, at tawagin Siyang “Ama namin.”

Bago ang Kristiyanismo, alam na ng iba’t-ibang → Relihiyon ang katawagan sa Diyos na “Ama.” Bago pa kay Jesus, tinawag na sa Israel ang Diyos bilang Ama (Dt 32:6; Mal 2:10) at alam din nila na Siya rin ay parang katulad ng isang ina (Is 66:13). Sa karanasan ng mga tao, ang ama at ina ay tumatayo bilang pinagmulan at awtoridad, kaligtasan at suporta. Ipinapakita sa atin ni Jesus kung paano talaga ang Diyos bilang Ama: “Sa pagkakita sa Akin ninuman, ang Ama ang nakikita niya” (Juan 14:9). Sa talinghaga ng waldas na anak, tinalakay ni Jesus ang pinakamalalim na paghahangad ng tao sa isang maawaing Ama. [Youcat 37]

Sino ang “Espiritu Santo”?

Ang Espiritu Santo ang ikatlong Persona ng Tatlong Persona sa Isang Diyos (→ Santatlo) at may parehong banal na kadakilaan tulad ng Ama at ng Anak.

Kapag natuklasan natin ang pagiging totoo ng Diyos sa atin, may kinalaman ito sa gawa ng Espiritu Santo. Ipinadala ng Diyos “ang Espiritu ng Kanyang Anak sa ating mga puso” (Ga 4:6), upang mapunan Niya tayo nang buo. Sa Espiritu Santo ay matatagpuan ng isang Kristiyano ang malalim na kagalakan, panloob na kapayapaan at kalayaan. “Kaya wala nang dapat ikatakot: hindi espiritu ng pagkaalipin ang inyong tinanggap kundi ang espiritu ng pag-ampon; sa bisa nito natin sinasabing ‘O Abba (O Tatay), O Ama”” (Rom 8:15). Sa Espiritu Santo na ating tinanggap sa binyag at sa → Kumpil, maaari nating tawaging “Ama” ang Diyos. [Youcat 38]

Si Jesus ba ay Diyos? Nabibilang ba Siya sa Tatlong Persona sa Isang Diyos (Santatlo)?

Si Jesus Nazareno ang Anak, ang ikalawang banal na Persona, na tinutukoy, kapag tayo’y nagdarasal: “Sa Ngalan ng Ama, at ng Anak, at ng Espiritu Santo” (Mt 28:19).

Maaaring si Jesus ay talagang Diyos o kaya’y isang impostor noong ginawa Niya ang Kanyang sarili na Panginoong higit sa → Araw ng Pamamahinga at hinayaan Niyang Siya’y tawaging “Panginoon” gaya ng tawag sa Diyos. Naging iskandalo noong Siya’y nagpatawad ng kasalanan. Sa mata ng Kanyang mga kakontemporaryo, ito ay isang krimeng karapat-dapat ng kamatayan. Sa pamamagitan ng mga kababalaghan at tanda, ngunit lalo na sa pamamagitan ng Muling Pagkabuhay, nakilala ng mga alagad kung sino si Jesus, at sinamba Siya bilang Panginoon. Ito ang pananampalataya ng → Simbahan. [Youcat 39]

Ito ang sinasabi ng mga Ama ng Simbahan

Kinikilala natin ang isang Diyos, at isang Anak na kanyang Logos (= Salita), at isang Banal na Espiritu, na nagkakaisa, - ang Ama, Anak, ang Espiritu, sapagkat ang Anak ay Katalinuhan, Dahilan, Karunungan ng Ama, at ang Espiritu ay ang pagagos, bilang ilaw mula sa apoy. [Athenagoras, A plea for the Christians, Chap. 24 (MG 6, 945)]