
1.49 Kailan mangyayari ang katapusan ng mundo?
Si Hesus ay nabuhay na magmuli sa Pasko ng Pagkabuhay, at pagkatapos ay umakyat sa langit (Pag-akyat sa Langit). Mula sa sandalling iyon, ang ating tungkulin ay mabuhay nang mabuti bilang mga Kristiyano, at ipahayag ang Ebanghelyo sa buong mundo.
Ito ay magpapatuloy hanggang si Hesus ay bumalik muli sa mundo (ang Ikalawang Pagdating). Ito ang “katapusan ng panahon”. Walang nakaaalam kung kailan ito mangyayari (Marcos 13:31-32) Marcos 13:31-32 Lilipas ang langit at ang lupa, ngunit ang aking mga salita ay mananatili magpakailanman. Ngunit walang nakakaalam ng araw o ng oras na iyon, kahit ang mga anghel sa langit, o ang Anak man. Ang Ama lamang ang nakakaalam nito., at walang makahuhula rito. Maaari itong mangyari sa kahit anong oras (Pahayag 22:20) Pahayag 22:20 Sinasabi ng nagpapatotoo sa lahat ng ito, “Tiyak na nga! Darating na ako!” Amen! Dumating ka nawa, Panginoong Jesus!.Tinatawag ni Hesus ang lahat ng tao na maging mapagbantay upang makasiguro na tayo ay handa na makita siya pag dumating na ang takdang panahon.
What is the saving meaning of the Resurrection?
The Resurrection is the climax of the Incarnation. It confirms the divinity of Christ and all the things which he did and taught. It fulfills all the divine promises made for us. Furthermore the risen Christ, the conqueror of sin and death, is the principle of our justification and our Resurrection. It procures for us now the grace of filial adoption which is a real share in the life of the only begotten Son. At the end of time he will raise up our bodies. [CCCC 131]
Ano ang nagbago sa mundo dahil sa muling pagkabuhay?
Dahil ngayon ay hindi na lahat nagtatapos sa kamatayan, dumating ang kagalakan at pag-asa sa mundo. Simula noong ang kamatayan "ay wala nang kapangyarihan" (Rom 6:9) kay Jesus, wala na rin itong kapangyarihan sa ating mga nabibilang kay Jesus. [Youcat 108]
[Hayaan] nating isipin ang kapani-paniwala interbensyon ng Diyos sa pagtatapos ng panahon, kung kailan niya ganap na itatatag ang kanyang Kaharian. Ang kasalukuyan ay ang oras ng paghahasik, at ang paglaki ng binhi ay tiniyak ng Panginoon. Samakatuwid alam ng bawat Kristiyano na dapat niyang gawin ang lahat na makakaya niya, ngunit ang huling resulta ay nakasalalay sa Diyos [Pope Benedict XVI, Angelus, 17 Hunyo 2012]