
1.27 Ano ang Tipan? At ano ang plano ng kaligtasan ng Diyos?
Sinasabi sa atin ng Lumang Tipan ang tungkol sa bayan ng Israel, ang piniling bayan ng Diyos. Gumawa ng tipan ang Diyos sa mga taong ito: magiging tapat sila sa Diyos at hindi sila pababayaan magpagkailanman. Dahil sa masamang paggawi, sinira ng bayan ng Israel ang tipan. Pinatawad ng Diyos ang kanyang mga tao at ibinigay ang Sampung Utos bilang bagong tipan. Sa kasamaang palad, patuloy ang pagkakasala nila, pero paulit-ulit silang pinapatawad ng Diyos, at laging gumagawa ng bagong tipan kasama sila.
Nais ng Diyos na ang tao ay maging maligaya magpakailanman: gusto niyang burahin ang pagkakasala ng unang tao at lahat ng sumunod sa kanila. Ito ang plano ng kaligtsan ng Diyos, at ang daan na tinatahak niya kasama ang mga tao ay tinatawag na kasaysayan ng kaligtasan. Sa sariling pagsasakripisyo ni Hesus sa krus, gumawa ang Diyos ng panibago at tiyakang tipan sa kanyang bayan . Mula sa sandaling yaon, naging posible na maka-akyat ang tao sa langit at mabuhay magpakailanman kasama ng Diyos.
Paano ipinahayag ng Diyos ang Kanyang sarili sa Matandang Tipan?
Ipinakita ng Diyos ang Kanyang sarili sa → Matandang Tipan bilang isang Diyos na nilikha ang mundo, pati na rin ang tao, dahil sa pag-ibig, pagkatapos ay nanatili pa ring tapat noong sila’y nahulog sa kasalanan papalayo sa Kanya.
Sa kasaysayan, ginawa ng Diyos ang Kanyang sarili na mararanasan. Nakipagtipan Siya kay Noe para sa kaligtasan ng lahat ng nilalang. Tinawag Niya si Abraham upang gawin siyang “ama ng maraming bansa” (Gen 17:5b) at sa pamamagitan niya’y “pagpapalain ang lahat ng bayan sa daigdig” (Gen 12:3b). Ang bayang Israel na nagmula kay Abraham ay magiging Kanyang natatanging pag-aari. Ipinakilala Niya ang Kanyang sariling pangalan kay Moises. Ang Kanyang mahiwagang pangalan יהוה ay madalas isinusulat na → Yawe, na nangangahulugang “Ako Siyang Umiiral” (Ex 3:14). Pinalaya Niya ang Israel mula sa pagkakaalipin sa Ehipto, nakipagtipan sa Sinai at ibinigay sa Israel ang Kanyang batas sa pamamagitan ni Moises. Paulit-ulit na ipinadala ng Diyos ang mga propeta sa Kanyang bayan, upang manawagan sa kanilang magbalik-loob at muling makipagtipan. Ipinahayag ng mga propeta na gagawa ang Diyos ng isang bago at walang hanggang tipan na magsasanhi ng isang radikal na pagbabago at pangwakas na pagtubos. Itong tipan ay mananatiling bukas sa lahat ng tao. [Youcat 8]
What does God reveal to man?
God in his goodness and wisdom reveals himself. With deeds and words, he reveals himself and his plan of loving goodness which he decreed from all eternity in Christ. According to this plan, all people by the grace of the Holy Spirit are to share in the divine life as adopted “sons” in the only begotten Son of God. [CCCC 6]
What are the first stages of God's Revelation?
From the very beginning, God manifested himself to our first parents, Adam and Eve, and invited them to intimate communion with himself. After their fall, he did not cease his revelation to them but promised salvation for all their descendants. After the flood, he made a covenant with Noah, a covenant between himself and all living beings. [CCCC 7]
Bakit kinailangang ipakita ng Diyos ang Kanyang sarili upang malaman natin kung ano Siya?
Sa pamamagitan ng pag-iisip, maaaring malaman ng tao na mayroong Diyos, pero hindi kung ano talaga ang Diyos. Ngunit dahil nais ng Diyos na makilala Siya, ipinahayag Niya ang Kanyang sarili.
Hindi kinailangang ihayag ng Diyos ang Kanyang sarili sa atin. Ginawa Niya ito dahil sa pag-ibig. Kung paanong sa pag-ibig ng tao ay may kaunti lamang tayong malalaman tungkol sa ating minamahal kapag binuksan niya ang Kanyang puso sa atin, sa ganoong paraan ay bahagya lamang nating malalaman kung ano ang nasa pinaka-isipan ng Diyos, kapag binuksan ng walang hanggan at mahiwagang Diyos ang Kanyang sarili dahil sa pag-ibig sa atin. Pauit-ulit na kinausap ng Diyos ang tao mula sa pagkakalikha, patuloy sa mga ninuno at mga propeta, hanggang sa pangwakas na → Pagbubunyag sa Kanyang Anak na si Jesukristo. Sa Kanya ay ibinuhos ng Diyos sa atin ang Kanyang puso at ginawang malinaw magpakailanman para sa atin ang Kanyang kaloob-looban. [Youcat 7]
Ang buong kasaysayan ng kaligtasan ay ang kwento ng Diyos na naghahanap sa atin:
inaalok niya tayo ng pagmamahal at tinatanggap tayo ng may kaamuan.
[Pope Francis, Tweet, 31 May 2013].